P4.6-M halaga ng 'marijuana' nasamsam sa 3 lalaki sa Tarlac City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P4.6-M halaga ng 'marijuana' nasamsam sa 3 lalaki sa Tarlac City

ABS-CBN News
Published May 02, 2021 12:17 PM PHT
|
Updated May 02, 2021 02:34 PM PHT

(UPDATE) Aabot sa P4.6 milyong halaga ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska umano ng mga awtoridad mula sa 3 lalaki sa operasyon sa Tarlac City nitong madaling araw ng Linggo.

Sa ulat ng Philippine National Police Drug Enforcement Group, sinabing nasa edad 24 hanggang 50 anyos ang mga suspek, na pawang mga taga-Mountain Province.

Nahuli sila sa isang anti-illegal drug operation sa Barangay San Nicolas, Tarlac bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Bukod sa Tarlac, nagbabagsak din umano ang mga suspek ng ilegal na droga sa Pangasinan at Mountain Province, sabi ng pulisya.

Nakuha sa kanila ang 24 bricks ng hinihinalang dried marijuana, 26 rolled dried marijuana leaves, at 2 bote ng hinihinalang cannabis oil.

Samantala, naaresto naman ng mga awtoridad sa Concepcion, Tarlac nitong Sabado ang magkapatid na nakuhanan umano ng P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu.

Hinuli ng mga operatiba ng Philipine Drug Enforcement Agency-Central Luzon ang mga suspek sa buy-bust operation, kung saan tinangka pa ni "Cer" na tumakas at magtago sa talahiban pero kalaunan ay nahuli rin siya.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek bilang sina "Cer," 26 at "Au," 29, na parheong taga-Makati.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Gracie Rutao
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
drugs
war on drugs
marijuana
drug operation
Tarlac
Tarlac City
rehiyon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT