P5.8-M halaga ng 'shabu' nakuha sa Navotas drug bust, 4 timbog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P5.8-M halaga ng 'shabu' nakuha sa Navotas drug bust, 4 timbog

ABS-CBN News
Published May 12, 2020 01:36 PM PHT

Arestado ang 4 katao sa buy-bust operation sa Navotas City noong gabi ng Lunes, kung saan nakumpiska ang nasa P5.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu, ayon sa pulisya.

Sa ulat, kinilala ni Northern Police District director Police Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga suspek bilang sina alyas "Onel," 22; "Randel," 24; "Maria," 31; at "CJ," 29.

Hinuli ang mga suspek matapos nilang bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa may Togo Street, Barangay Tangos North bandang alas-8:20 ng gabi, ayon sa ulat mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Lumabas umano sa imbestigasyon na kabilang si "Randel" sa drugs watch-list ng pulisya.

ADVERTISEMENT
Nakumpiska sa mga suspek ang 855 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P5,814,000.

Nasa kustodiya ng Navotas police ang mga suspek, na mahaharap sa kasong selling at possession of illegal drugs, ayon sa NCRPO.

— Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
metro
metro crime
Navotas City
Northern Police District
war on drugs
shabu
National Capital Region Police Office
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT