Mga PNP checkpoint tuloy sa mga lugar sa ilalim ng GCQ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Mga PNP checkpoint tuloy sa mga lugar sa ilalim ng GCQ

ABS-CBN News
Published May 12, 2020 05:37 PM PHT
|
Updated May 12, 2020 06:26 PM PHT
MAYNILA - Hindi tatanggalin ng Philippine National Police ang checkpoint sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na ipinatutupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito'y sa gitna ng inaasahang pagbaba ng restrictions sa mas maraming lugar sa bansa sa pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa mga karagdagan pang lugar sa Mayo 15. Matapos nito, Metro Manila, Laguna at Cebu City na lang ang mananatili sa modified ECQ.

Ayon kay PNP Director for Operations Police Maj. Gen. Ringo Licup, mas magiging alerto ang kanilang hanay dahil bukod sa mga checkpoint, kailangan ding bantayan ang mga establisimyento na pinayagang magbukas sa ilalim ng GCQ kung sumusunod sa mga panuntunan ng gobyerno.

Saad ni Licup, bahagi ng plano ng PNP na magkaroon ng random checkpoint sa mga lugar sa ilalim ng GCQ.
Saad ni Licup, bahagi ng plano ng PNP na magkaroon ng random checkpoint sa mga lugar sa ilalim ng GCQ.
ADVERTISEMENT
Samantala, nabanggit ni PNP chief Police Gen. Archie Gamboa na bumaba nang 61 porsiyento ang bilang ng krimen sa nakalipas na 55 araw na pag-iral ng ECQ sa maraming lugar, kung saan ipinatutupad ang mahigpit na checkpoints.

Kabilang sa mga krimen na nasa tala ng PNP na bumaba ang mga kaso ay physical injury, robbery, theft, carnapping of motor vehicles, carnapping of motorcycles, rape, homicide at murder.

“On a nationwide scale, these eight focus crimes dipped 61 percent from 8,284 incidents during the pre-ECQ period from January to March, down to 3,220 incidents over the past 55 days under ECQ," aniya.

Nauna nang napailalim sa ECQ ang buong Luzon.

Pero ayon kay Gamboa, bagama't bumaba ang tinatawag na traditional crimes, maraming krimen ang naitala gamit ang access devices at cyberspace sa panahon ng ECQ.

Kabilang dito ang fraud, estafa, extortion, trafficking in persons, child abuse, at disinformation o "fake news." -- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Read More:
TeleRadyo
Tagalog news
PNP
PNP checkpoint
police checkpoints
GCQ areas
GCQ checkpoints
PNP GCQ
lockdown Philippines coronavirus
ECQ Metro Manila coronavirus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT