Ilang bahagi ng Davao at Bukidnon, inulan ng yelo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bahagi ng Davao at Bukidnon, inulan ng yelo

Hernel Tocmo,
ABS-CBN News
Published May 12, 2020 01:49 AM PHT

Malakas na ulan na may kasamang yelo ang naranasan ng ilang bahagi ng Barangay Tamayong sa Davao City, at sa bayan ng Damulog, Bukidnon nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa nakakuha ng video na si Rex Manicsic, parang bagyo ang ulan at lakas ng hangin habang nahuhulog din ang mga butil ng yelo. Aniya, may ilang puno rin ng saging ang natumba.

Nakakuha rin ng mga larawan at video ang ilang netizens sa pag-ulan ng yelo sa Damulog, Bukidnon.

Ayon sa PAGASA, posibleng epekto ito ng trough ng bagyong Ambo, at nangyari matapos ang ilang araw ng matinding init.

ADVERTISEMENT
Ang hail o yelo ay bumabagsak galing sa isang severe thunderstorm. Nabubuo ito kapag masyadong mainit ang isang lugar na nagdudulot naman ng pagtaas ng water vapor, na pwedeng mag-freeze at maging yelo, ayon sa PAGASA.

Samantala, pinag-iingat naman ng lokal na pamahaalan ng Davao ang mga residente nito sa papalapit na bagyo.

Sinuspinde ngayong Lunes ang trabaho sa gobyerno at pinaghahanda rin ang mga kawani ng government disaster at rescue agencies.

"Sa flashflood, andamon nato atong balay, isaka nato daan atong importanteng appliances. Ato nang i-secure atong valuables. Igawas na nato atong flashlights kay kung dunay brownout, ma-ready na nato kini. Igawas na nato atong mga 'Go bag,'" ayon kay Mayor Sara Duterte sa kanyang panayam sa Davao City Disaster Radio.

(Ihanda ang bahay sa posibleng pagbaha at iakyat ang mga importanteng appliances. Siguruhin ang mga importanteng bagay. Ihanda natin ang flashflight kung sakaling magka-brownout. Ilabas din ang "Go Bag.")

Muling naranasan nitong Lunes ng hapon ang mga malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Davao City.