Supply ng bigas sa bansa ngayon, sapat: DA

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 03:50 PM

Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang supply ng bigas sa bansa para sa buong taon.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na sapat pa ang suplay ng bigas sa bansa ngayon kaya hindi dapat magtaas ng presyo.

“The question is, meron bang shortage ng bigas ngayon? Wala po." 

Kinontra rin ng kalihim ang pahayag ng International Rice Research Institute o IRRI na kulang ng 500 hanggang 800 metric tons ang bigas ngayon taon.

Paliwanag ni Piñol, marami pa ang nakaimbak sa Isabela at ito rin ang tamang panahon para mag-import ng bigas dahil bagsak ngayon ang presyo ng bigas sa world market.

“Now, do we need to import? If NFA (National Food Authority) would like to beef up their buffer stock, ang sabi ko sa pangulo noong napagusapan namin ito noong April 26, now is the best time to buy because bumagsak yung presyo ng bigas sa world market and that is precisely because of the announcement of the president last month na huwag mag angat ng bigas during peak harvest season dito sa ating bansa,” paliwanag ni Piñol.

Kasabay nito, tiniyak din ni Piñol na upang maiwasang kontrolin ng mga negosyante ang presyuhan ng bigas sa bansa, mag-iinspeksyon sila sa mga bodega ng mga rice trader.

“Sa Sunday, pagkita namin ng pangulo sa China, babangitin ko ito na kung pwede ay ma-activate na namin yung inaprubahan niya na Task Force Bigas na kung saan ay implement na namin ang pag-iinspeksyon ng lahat ng rice warehouses ng mga rice trader all over the country to determine kung sino po nag-ho-hoard ng bigas,” sabi niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.