CORONATION OF THEIR MAJESTIES: Weekend celebrations, natapos na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
CORONATION OF THEIR MAJESTIES: Weekend celebrations, natapos na

Rose Eclarinal | ABS-CBN Europe News Bureau
Published May 11, 2023 11:18 AM PHT
|
Updated May 12, 2023 06:23 AM PHT
LONDON - Nagtapos nitong Lunes ang tinaguriang Coronation Weekend na nagsimula noong araw ng koronasyon ni King Charles III at Queen Camilla, Sabado, May 6.

Ang huling araw ay itinalaga sa countrywide volunteering drive “Big Help Out” at pinangunahan ng higit 1,500 charities. Kasama ni Prince William, Duchess Kate at mga anak na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis sa scout activities sa Slough, west London, Lunes ng umaga.

Noong Linggo, “Big Sunday Lunches” ang selebrasyon sa iba-ibang panig ng UK at sa gabi, ang inaabangang star-studded Coronation Concert sa Windsor Palace, na napanuod ng 20,000 concert-goers sa Windsor Castle at milyon-milyon naman ang tumutok sa telebisyon.

Inabangang ang performers na sina Lionel Richie, Katy Perry, Andrea Bocelli at British band Take That. Hinangaan din ang 70-piece orchestra, choirs, at ilang unique dramatic performances mula sa communities na kinatawan ng iba-ibang sektor.

KORONASYON: King Charles at Queen Camilla
Pitumpong taon ang hinintay bago muling nakita ng publiko ang engrandeng koronasyon na puno ng simbolismo at tradisyon sa seremonyang dinaluhan ng may higit isang daang heads of state, world at faith leaders, at royals mula sa higit dalawang daang bansa at higit walong daang charity champions ng United Kingdom.

Sakay ng Diamond Jubilee state coach, unang nasilayan ang Hari at Reyna. Sa 1.3- mile na procession route, pinalakpakan ang Hari at Reyna.

Kumukuha ng larawan ang mga tao, habang ang iba ay sumigaw ng long live the king!

Ang mga Pinoy na matiyagang naghintay sa procession route, di natinag sa pagbuhos ng ulan.

“Long live the King,” sigaw ng mga grupo ng Pinoy.

“Rain or shine tayo dito, kaya nga ito (tayo),” sabi ni Rene Rosal Joy Bansale:

“We are just waiting for the King to come back here,” sabi ni Joy Bansale.

“Napakasaya bilang Pilipino ako na representative ng Filipinos,” pahayag ni Elizabeth Serios.

Sabi naman ni Rein Talunsan: “We are here to witness history. I don’t think we will be here to witness another like this.”

Alas onse ng umaga sa UK, sinimulan ang seremonya sa Westminster Abbey, sa harap ng higit dalawang libong kongregasyon, na tumagal ng dalawang oras.

Pinamunuan ito ni Archbishop of Canterbury Rev. Justine Welby. Nagbahagi ng reading si Prime Minister Rishi Sunak hango sa Colossians 1:9-17.

Nahati sa anim na bahagi ang koronasyon: Ang recognition, oath, anointing o pagpahid ng holy oil sa Hari, na hindi ipinakita sa publiko dahil ito ay sagrado.

Ang investiture, kung saan naganap ang aktuwal na pagputong ng St. Edward’s Crown sa Hari at Queen Marys’ crown para sa Reyna.

Sumunod ang enthronement. At, ang homage. Nauna si Rev. Justine Welby. Sinundan ni Prince of Wales Prince William, tagapagmana ng korona, at binigkas ang katapan sa kanyang ama.

Pagkatapos, binigyan din niya ang halik sa pisngi ang kanyang amang Hari. Pagkatapos ng seremonya, sakay ng Gold State Coach, muling binagtas ang parehong procession route pabalik sa Buckingham Palace, sa isang mas malaking prosusiyon na may partisipasyon ng higit anim na libong miyemro ng UK armed forces, Commonwealth at the Realms.

Sa Buckingham Palace gardens, sinaluduhan ang Hari at Reyna ng mga naghihintay na sundalo na kasama sa prusisyon.

Pasado alas dos ng hapon, lumabas sa balkonahe ng palasyo ang Hari at Reyna, kasama sina Prince william at Duchess Kate at kanilang mga anak, at iba pang miyembro ng working royals.

Dahil sa ulan at maulap na panahon sa Central London, ang dapat sanang higit animnapung aircraft na lilipad sa flypast, wala pang kalahati ang nakalipad.

Hindi naman nabigo ang mga manunuod sa paglipad ng inaabangang Red Arrows, para sa huling saludo sa Hari at Reyna. Muling narinig ang mga sigaw na ‘long live the king” at palakpakan.

Sabi ng ilang mga Pinoy na nanuod, sulit ang mahabang oraw ng paghihintay. It was an honour to witness the coronation of the King, sabi ni Leslie Jacaban, taga-London.

Isang engrandeng palabas at seremonya na nagpapakita ng tradisyun, relihiyon at kultura ng bansa sa araw ng makasaysayang koranasyon ni King Charles III at Queen Camilla.

Natapos ang coronation weekend celebrations at ngayon, opisyal nang pumasok sa bagong yugto ng kasaysayan ang pinakasikat at maimpulwensyang monarkiya sa mundo.

(Kasama ang ulat ni Kat Domingo, Ernie Delgado at Pyvez Marfa)
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
MGA KAUGNAY NA ULAT:
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT