PANOORIN: Babae nahagip ng fire truck sa Pateros | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Babae nahagip ng fire truck sa Pateros

PANOORIN: Babae nahagip ng fire truck sa Pateros

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 11, 2021 10:45 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang 31-anyos na babae ang kinailangang operahan at tanggalin ang mata matapos mahagip ng truck ng Bureau of Fire Protection sa Pateros Linggo ng gabi.

Bandang alas-8:45 ng gabi nakunan sa CCTV na naglalakad sa sidewalk ng M. Almeda Street sa Barangay Magtanggol ang biktimang kinilalang si Annie Tiar at kasamang si Salome Perez.

Biglang sumalubong sa kanila ang fire truck na mabilis ang pagtakbo.

Sinubukang umiwas ng 2 pero tumilapon si Tiar nang mahagip ng truck ng bombero. Kinailangan operahan para alisin ang mata ni Tiar matapos ang insidente.

ADVERTISEMENT

Nabangga pa ng fire truck sa unahan ang isang nakatigil na itim na kotse.

Nakaligtas naman ang isang motorcycle rider na nadapa pa para makaiwas sa truck.

Kita sa video na nakailaw ang sirena ng fire truck.

Hinuli ng pulis ang driver nitong si FO2 Ramon Lactao II, 36-anyos at nakadestino sa Pateros Fire Station.

Ayon sa pulis, tumangging magbigay ng pahayag si Lactao.

Inaalam naman kung ano ang kanyang kondisyon noong oras ng insidente.

Sabi naman ng barangay, accident-prone ang naturang kalsada.

Nakakulong sa Pateros Police Station ang bombero at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury and damage of property.

Wala pang pahayag ang Bureau of Fire Protection sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.