QC residents inireklamo ang umano'y mabagal na paghahakot ng basura | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
QC residents inireklamo ang umano'y mabagal na paghahakot ng basura

Maan Macapagal,
ABS-CBN News
Published May 11, 2020 05:03 PM PHT
|
Updated May 13, 2020 09:32 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA — Inirereklamo ng ilang residente ang mabagal na paghakot ng basura sa ilang bahagi ng Quezon City sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine kontra pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

"Dapat kuha na 'yan ng Miyerkoles, pero hindi sila kumuha, tapos Biyernes hindi naman kumuha ulit... Mabaho na, kinakalat ng aso," ani Lily Soriano, residente ng QC.

Sa buong kalsada, nakasabit sa gate o nakatambak na sa labas ng bahay ang mga basura na naghihintay mahakot.

Matapos nilang maireklamo ito sa Facebook page ng Solid Waste Management ng Quezon City, dumating naman ang trak ng basura.

"Yung truck na po na 'yan bago pong contractor, pinapaliwanag ko naman sa mga tao na nag-iikot ako kasi nagbago... Marami po talaga mula nung nagbago 'yung contractor," paliwanag ni Rizza Alfaro, garbage collection area coordinator ng QC.

Ayon sa Quezon City Task Force (QCTF) on Solid Waste Management, lumaki ang volume ng residential waste ngayon sa lungsod.

Kung dating 70 porsiyento ang commercial waste at 30 porsiyento ang household waste, halos nagtriple na ang mga basura sa kabahayan.

"Beginning of the quarantine is na-offset lang 'yung 70 percent na na-generate ng commercial dahil nagsara. Kung babagsak 'yun tataas nang konti 'yung household volume. Pero so far na-exceed niya 'yung household projection natin by 3 folds," ani Richard Santuile, action officer ng QCTF on Solid Waste Management.

Nalagpasan na nito kahit ang garbage volume tuwing Kapaskuhan.

Dahilan daw nito ay nananatili lahat sa bahay ang buong pamilya kaya maraming naipong basura.

"Maraming activities ang tao ngayon na waste generating such as 'yung paggamit ng wet wipes saka tissue paper," paliwanag ni Santuile.

Kung dating isang pasada lang ang mga trak, ngayon kailangang mag-3 ikot para masimot ang mga basura.

Dahil naman sa COVID-19, hindi na rin binubusisi pa ang mga basura kaya madaling mapuno ang trak.

Ayon QC LGU, hiling lang nila ang pang-unawa sa mga residente ng QC sa pagkaantala sa ilang lugar.