Karpintero sa Taytay inatake sa puso sa gitna ng pagpila para sa SAP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Karpintero sa Taytay inatake sa puso sa gitna ng pagpila para sa SAP

Karpintero sa Taytay inatake sa puso sa gitna ng pagpila para sa SAP

Angel Movido,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 12, 2020 07:59 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Namatay ang isang karpintero sa Taytay, Rizal matapos atakihin sa puso dahil umano sa sobrang init at ilang araw na pagtitiis na pumila para lang makakuha ng ayuda mula sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.

Sa burol na nadatnan ni Estrella Omandam ang dating asawa matapos mabalitaan ang sinapit nito kakaantay sa ayuda.

Mayo 8, Biyernes, nang atakihin sa puso ang 53 anyos na si Teodoro Omandam.

Kuwento ng pamilya ni Teodoro, dali-dali raw pumunta ito sa barangay hall nila sa San Juan nang malamang kasama sila sa makatatanggap ng cash aid mula sa SAP.

ADVERTISEMENT

"Para may pambili ng pagkain... Tatlong araw na pabalik-balik doon para pumila pero hindi nakakuha... Hindi siya nakatanggap kasi dun siya inatake habang kumukuha ng ayuda," kuwento ni Estrella.

Masakit ang loob ng mga kaanak dahil wala naman daw sakit si Teodoro pero ikinamatay niya ang kagustuhang buhayin ang pamilya.

Sabi ni Estrella, kahit hiwalay na sila ng dating asawa, labis ang kaniyang lungkot sa nangyari kaya kahit may lockdown, sinikap niyang makabiyahe galing pang Cavite.

"Masakit po sa amin, hindi naman dapat ganun ang proseso ng gobyerno, dapat mag-house to house sila," ani Estrella.

Tumanggi namang magpaunlak ng interview ang mga opisyal ng Barangay San Juan.

Sinikap ding kuhanin ang pahayag ni Taytay Mayor Joric Gacula pero hindi ito sumasagot sa texts at tawag.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.