Kandidato at 6 na iba pa, tiklo sa umano'y vote buying sa Tawi-Tawi | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kandidato at 6 na iba pa, tiklo sa umano'y vote buying sa Tawi-Tawi

Nickee Butlangan,
ABS-CBN News
Published May 11, 2019 02:31 PM PHT

Isang kandidato at anim na tauhan nito ang inaresto sa bayan ng Bongao sa Tawi-Tawi dahil umano sa vote buying, Biyernes ng gabi.

Sakay ng SUV ang grupo nang arestuhin ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Provincial Mobile force sa isang checkpoint.

Ayon kay Police Capt. Abdulkhair Ahmad, ang grupo ay may dalang bag na naglalaman ng mahigit P10,000 na tig-P20 at may naka-staple na maliit na papel na may pangalan ng isang kandidatong tumatakbo para konsehal sa nasabing bayan.

Dagdag pa ni Ahmad, kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG ang grupo at patuloy na iniimbestigahan ang kaso.

ADVERTISEMENT
Mahigpit ang pagbabantay ng pulisya laban sa vote buying sa nasabing bayan.

Inaaasahan ng taga-Bongao at ibang kandidato na paiimbestigahan ng Commission on Elections ang insidente ng vote buying upang maiwasan ang posibleng dayaan sa araw ng halalan sa Lunes.