TINGNAN: Mga tagasuporta ni Sereno, nag-‘lamay’ sa Korte Suprema | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga tagasuporta ni Sereno, nag-‘lamay’ sa Korte Suprema

TINGNAN: Mga tagasuporta ni Sereno, nag-‘lamay’ sa Korte Suprema

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

Tila pinaglalamayan ng mga tagasuporta ni dating chief justice Maria Lourdes Sereno ang pagkamatay umano ng demokrasya, hudikatura, Senado at Kamara. Michael Delizo, ABS-CBN News

MAYNILA—Matapos ang pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado, pinaglamayan ng kaniyang mga taga-suporta ang pagkamatay umano ng demokrasya, hudikatura, Senado, at Kamara.

Noong Mayo 1 pa nagkakampo ang mga miyembro ng religious group na sumusuporta kay Sereno sa labas ng Korte Suprema sa Padre Faura Street.

Balak nilang magkampo ng panibagong 9 na araw para araw-arawin ang misa bilang panalangin sa umano'y pagkamatay ng hudikatura.

Mag-i-impake na dapat sila para umuwi pero nabuhayan sila ng loob nang dumating ang mga estudyante para maki-rally.

ADVERTISEMENT

Galit na galit ang mga kabataan sa anila'y hindi makatarungang pagsibak sa punong mahistrado.

"Ang natitira na lang kasi na checks and balances dito sa bansa ay 'yung sa Supreme Court natin. Sa naging move ngayon na pagpapatalsik kay Sereno, ito talaga 'yung last straw, kumabaga patuloy na talagang guguho ang hudikatura," ani Pat Cierva ng University of the Philippines Manila Student Council.

Dagdag ni Paco Perez ng Youth Movement Against Tyranny: " 'Yung black ribbon at candles, pagpapakita lang ng kamatayan sa hudikatura kung saan ito ay pagpapakita ng pagluluksa sa isang malungkot na araw sa mga mamayang pilipino,"

Ayon kay Fr. Robert Reyes ng Gomburza, "hindi pa rin kami titigil. Wala nang kwenta ang Korte Suprema. Lolokohin na lang nila ang taong bayan. Hindi pwedeng ipagpatuloy nila ang panloloko. Edukasyon ng mamamayan ang ginagawa natin."

Nagtali sila ng itim na ribbon at nagsindi ng kandila sa gate ng Korte Suprema bilang pagluluksa dahil patay na raw ang hudikatura.

Ang kabaong umano ng demokrasya, hudikatura, Senado, at Kamara. Michael Delizo, ABS-CBN News

Ang mga religious group naman ay nagdala ng korona ng bulaklak para ipakita ang kanilang pakiki-isa sa sigaw ng mga estudyante.

May dumating din na kabaong na lalagyan ng mukha ng walong justices na pumabor sa quo warranto case.

Tuwing alas-3 ng hapon ay magmimisa sila para ipanalangin ang demokrasya hanggang sa Mayo 20, kasabay ng Pentecost Sunday.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.