Manila Water, kukuha na rin ng tubig sa Laguna Lake | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manila Water, kukuha na rin ng tubig sa Laguna Lake

Manila Water, kukuha na rin ng tubig sa Laguna Lake

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kukuha na rin ng tubig mula sa Laguna Lake ang Manila Water para matugunan ang pangangailangan ng dumaraming customers ng naturang water concessionaire.

Sisimulan na sa Agosto ng Manila Water ang pagproseso ng tubig galing sa Laguna Lake para i-supply sa mga taga-Binangonan, Cardona, Morong, Baras, Tanay, Pililla, at Jalajala na aabot sa halos 400,000 customers.

Tiniyak naman ng Manila Water na dadaan sa masusing proseso ang tubig sa lawa kahit pa tadtad ng mga baklad o fishpen ang Laguna Lake, bukod pa sa mga pabrika at establisimyento.

"Hindi natin maaaring dalhin 'yong tubig sa customers nang hindi pumapasa sa Philippine national standard for drinking water ng Department of Health," ani Jeric Sevilla, tagapagsalita ng Manila Water.

ADVERTISEMENT

Itinatayo na ang planta sa Cardona na kayang magproseso ng hanggang 100 milyong litro kada araw.

Samantala, sa kabilang panig naman ng lawa kumukuha ng supply ang Maynilad.

Dumadaan sa lagusan ng Maynilad ang tubig bago pumasok sa planta para linisin.

Mahigit 8 taon nang kumukuha ng tubig sa Laguna Lake ang Maynilad.

Malabo ang tubig pagpasok sa lagusan ng Maynilad pero pagkatapos ng sangkaterbang proseso para linisinang tubig na galing sa lawa ay maaari na itong inumin ng mga customer.

Nasa 150 milyong litro ang kayang iproseso ngayon pero madodoble ito kapag natapos na ang itinatayong planta sa Putatan.

"Kailangan namin talagang magdagdag ng output sa Laguna Lake dahil patuloy ang pagdami ng aming customers sa South," ani Jen Rufo, tagapagsalita ng Maynilad.

Paliwanag ni Rufo, karamihan sa naseserbisyuhan ng kanilang treatment plant ay mga taga-Muntinlupa, at ilang parte ng Parañaque, Las Piñas, at Cavite.

Kahit daw ang maruming tubig sa Pasig River o Manila Bay ay maaaring pagkuhanan ng tubig, pero dadaan sa matinding paglilinis na magpapataas ng singil sa tubig.

Nito lang Miyerkoles, Mayo 9, sinabi ng Manila Water na kapag tumuntong ng 69 meters ang nibel ng tubig sa La Mesa Dam, maaaring magsara na ang East La Mesa Treatment Plant na makaaapekto sa suplay ng tubig ng mga taga-Marikina, San Mateo, at Rodriguez, Rizal.

Bandang alas-8 ng umaga ng Miyerkoles, nasa 72.62 meters na lang ang water level sa La Mesa Dam na pinakamababang nibel nito, ayon sa Manila Water.

Sa ngayon, nakararanas na ng mahinang water pressure ang ilang customer ng Manila Water.

Tinatayang 310,000 customers naman ng Maynilad ang nawawalan ng tubig o kaya'y nakararanas ng mahinang water pressure tuwing gabi hanggang madaling araw dahil kulang pa rin umano ang nakukuhang alokasyon ng Maynilad mula sa Angat Dam.

Naghahati ang Maynilad at Manila Water sa tinatayang 4.08 bilyong litro ng alokasyong tubig mula sa Angat Dam.

Noon lang Abril, nagbanta ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System na kakanselahin ang kontrata sa Maynilad at Manila Water kapag di pa naresolba ang isyu sa hatian ng suplay ng tubig na nagdudulot ng water interruption o low water pressure sa mga customer ng Maynilad.

Dati nang sinabi ng Manila Water na makikita sa non-revenue water ng Maynilad kung gaano karaming tubig ang nasasayang sa sistema nito.

-- Ulat nina Alvin Elchico at Ferdie Dugay, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.