Pulis sa viral photo naghuhugas lamang ng kamay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis sa viral photo naghuhugas lamang ng kamay

Fernando G. Sepe Jr.,
ABS-CBN News
Published May 11, 2017 11:58 AM PHT
|
Updated May 11, 2017 02:59 PM PHT

Alam na! Hindi umiihi ang pulis na nasa larawan kundi naghuhugas lamang ng kamay.

Ito ang pahayag ng isang photographer na siyang kumuha ng retrato na naging viral sa social media.

Kuwento ni Luis Liwanag, nakita niya ang pangyayari sa Baclaran noong Disyembre 2016 habang naglalakad at kaagad na pinitik ang retrato dahil sa kakaiba nitong kumposisyon. Tanghalian aniya kuha ang retrato at naghuhugas ng kamay ang pulis na kinailangang bumukaka para hindi mabasa ang kanyang sapatos.

Laking gulat na lamang niya na pinagpasa-pasahan na ang retrato ng may ibang kahulugan.
Laking gulat na lamang niya na pinagpasa-pasahan na ang retrato ng may ibang kahulugan.
ADVERTISEMENT
At nito ngang nakaraang linggo "may isang grupo sa Cebu na may nag-post at sinabing kuha niya ito at na-tiyempuhan niyang umiihi ang pulis," kuwento ni Liwanag.

Agad itong naiulat ni Liwanag sa Facebook at natanggal na rin ang post na iyon. Ngunit nagulat si Liwanag na kumalat pa ang retrato sa social media.

Umani ng batikos ang pulis mula sa netizens sa paga-akalang umiihi ang naturang pulis sa harap ng madla. Nakarating kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang retrato at hindi nito naiwasang mag-react.

Sa panayam sa ABS-CBN News, ipinakita ni Albayalde ang retrato at sinabing ipai-imbestiga nila kung totoo ngang umiihi ang pulis sa publiko at lalapatan ng kaukulang aksyon.

"Based on the picture, this could be in the Pasay-Baclaran area, and the policeman may be doing something suspicious," ani Albayalde.

Sabi naman ni Southern Police District (SPD) Director Tomas Apolinario na mas malamang na naghuhugas lamang ng kamay ang pulis.

Masyado aniyang bulgar para sa isang pulis na umihi sa lansangan, sa lugar na kitang-kita ng maraming tao.

"Maybe he did not want to get his shoes wet. But we are still trying to find out who it is," sabi ni Apolinario.

Nilinaw ni Liwanag na wala siyang balak ipahiya ang pulis o gawan ng pekeng istorya ang retrato.

"Ang ganitong kuha ay kasama sa genre ng 'street photography' kung saan ang retrato ay kino-compose ng may ambiguous o humorous na hitsura," sabi ni Liwanag.

Agad naman aniyang pinaliwanag sa post na hindi nga umiihi at naghuhugas lamang ang pulis ng kamay, ngunit marami ng nagbahagi ng retrato ng may ibang kahulugan.