Pari na nagbitaw ng bomb joke sa eroplano, kinuwestiyon ng pulisya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pari na nagbitaw ng bomb joke sa eroplano, kinuwestiyon ng pulisya

Aiza Marrie Layague,
ABS-CBN News
Published May 10, 2018 05:53 PM PHT
|
Updated May 10, 2018 08:35 PM PHT

DUMAGUETE CITY (UPDATE) - Pinagbawalan nang sumakay sa anumang flights ng Philippine Airlines (PAL) ang isang pari matapos itong magbitaw ng bomb joke habang nasa loob ng eroplano, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Chief Inspector Ruel Baganes ng Aviation Security Unit, dinala sa airport police station ang 69-anyos na pari na mula Dumaguete City para maimbestigahan.

Apat na oras umanong na-delay ang flight na pabalik ng Maynila dahil sa insidente. Lahat din ng pasahero ng naturang flight ay pinababa habang siniyasat ng mga awtoridad ang buong eroplano. Wala namang nakitang bomba sa eroplano, maging sa bagahe ng pari.

“Kasi yung cabin crew gustong ilagay sa ilalim ng upuan yung bag niya na ang laman is mga pagkain. Yung subject passenger naman, malaki ang respeto niya sa pagkain kaya hindi siya sumunod sa sinabi ng cabin crew which is lately na-irritate yung alleged subject, nakapagsalita siya ng 'Wag kayong mag-alala, hindi bomba 'yan, pagkain lang po 'yan,” kuwento ni Baganes.

ADVERTISEMENT
Dagdag ni Baganes na mahaharap sa kaso ang ‘di na pinangalanan pang pari na nakalipad din sakay ng ibang airline.

Paalala naman niya sa mga pasahero ng eroplano na huwag magbitaw ng biro tungkol sa bomba.

“Pag nasa airport po tayo, iwasan po natin ang magbabanggit o magbibiro ng tungkol sa bomba,” sabi niya.

Pagkakakulong ng apat na taon at multang P40,000 ang haharapin ng sinumang mapapatunayang lumabag sa Presidential Decree 1727.