Pamilya, sugatan sa pagguho ng riprap sa Baguio | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamilya, sugatan sa pagguho ng riprap sa Baguio

Micaella Ilao,
ABS-CBN News
Published May 10, 2018 09:46 PM PHT

BAGUIO CITY - Butas ang bubong at napuno ng malalaking bato ang kwarto ng pamilya Tagilala sa Barangay Irisan sa lungsod na ito matapos matabunan ng nasirang riprap ng ginagawang simbahan Miyerkoles ng madaling araw.

Sugatan ang 5 miyembro ng pamilya na agad isinugod sa ospital.

Ayon sa kapitbahay na si Rosaline Iliw, nagulat na lamang sila nang makarinig ng ingay.

“Narinig na lang namin na may malakas na bumagsak, nagising kami, 'yun pala may mga bato na na bumagsak," kuwento ni Iliw.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, umulan nang malakas kaya’t bumigat ang lupa at saka bumigay ang riprap.

Ayon sa mga residente, tila mahina umano ang pagkakagawa ng riprap.

“Talagang 'pag titingnan namin mahina 'yung foundation," ani Nelson Lumiwan.

Nangako naman ang may-ari ng ipinapagawang simbahan na bibigyan nila ng tulong ang pamilya na nasugatan.

Inamin nila sa pulisya na walang kontraktor ang proyekto at bayanihan lang daw ito.

Hindi pa nasusuri ng City Buildings and Architecture ang proyekto.
Hindi pa rin tiyak kung may mayor's permit ito.

Halos ilang buwan na rin mula nang tumigil ang konstruksyon ng simbahan.