2 'most wanted' patay sa engkuwentro sa Tawi-Tawi | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 'most wanted' patay sa engkuwentro sa Tawi-Tawi

ABS-CBN News
Published May 09, 2021 12:23 PM PHT

Patay ang 3 tao, kasama ang mag-amang itinuturing na "most wanted," matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa may dagat sa Sitangkai, Tawi-Tawi ngayong araw ng Linggo, sabi ng pulisya.

Sa ulat, kinilala ni Philippine National Police chief Guillermo Eleazar ang 2 sa mga nasawi bilang sina Girang Lipae at Basil Lipae, na parehong nakalista bilang most wanted persons ng pulisya sa Languyan, Tawi-Tawi.

Bandang alas-4 ng madaling araw nang magkasa ng operasyon ang mga awtoridad sa dagat sa may Barangay Sipangkot para hulihin ang mag-ama, na may arrest warrant para sa multiple murder.

Pinaputukan umano ng mag-ama ang mga awtoridad, na nauwi sa 5 minutong engkuwentro.

ADVERTISEMENT
Bukod sa mag-ama, nasawi rin ang isang babaeng hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Eleazar, dawit din ang mga nasawi sa pagpuslit umano ng ilegal na droga mula Sabah, Malayasia.

May mga ulat din aniyang tinakot ng mga nasawi ang kanilang mga kapitbahay para makuha ang mga seaweed at iba pang huli ng mga ito.

Narekober sa mga suspek ang mga baril at ammunition, sabi ng pulisya.

FROM THE ARCHIVES:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT