Dismayado sa NTC, Aragones umaasang matatalakay na sa Kamara ang ABS-CBN franchise | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dismayado sa NTC, Aragones umaasang matatalakay na sa Kamara ang ABS-CBN franchise

Dismayado sa NTC, Aragones umaasang matatalakay na sa Kamara ang ABS-CBN franchise

ABS-CBN News

 | 

Updated May 09, 2020 12:36 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Malaki ang paniwala ni Laguna 3rd District Rep. Sol Aragones na matatalakay pa ang usapin hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN sa mga nalalabing araw ng sesyon sa Kamara.

“Mayroon pa kaming halos isang buwan na session so I think enough 'yung session na 'yun para magkaroon ng hearing at madinig ito at finally maibigay na 'yung franchise ng ABS,” pahayag ni Aragones, isang dating mamamahayag sa network.

Bagamat ang pagdinig dito ay hindi pa naika-kalendaryo, umaasa si Aragones na mabibigyang puwang ang pagtalakay dito sa susunod na linggo.

“Sa ngayon, wala pa tayong naririnig na schedule ng hearing pero nagpa-followup tayo at umaasa tayo na sana by next week, lumarga na ito at matapos na at maibigay na ang franchise ng ABS-CBN,” pahayag ni Aragones sa panayam sa DZMM Teleradyo Sabado ng umaga.

ADVERTISEMENT

Inamin ni Aragones na maging siya ay nagulat at nadismaya sa naging desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) nang mag-isyu ng cease and desist order para patigilin ang broadcast operation ng radio at television stations ng Kapamilya network.

Ito'y matapos mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN noong Mayo 4 dahil nakabinbin ang franchise renewal nito sa House of Representatives mula pa noong 2014.

“Naging emosyonal, kasi matinding gulat at disappointment sa nangyaring iyon kasi nandoon din ako nung hearing ng Committee on Franchise nung nandoon ang NTC at talagang rinig na rinig ko at kitang-kita ko kung paano nila sinabi na bibigyan ng provisional authority para magpatuloy sa ere itong ABS-CBN,” sabi niya.

Inaasahan din aniya nilang tutugon ang NTC sa ipinangako nito noong pagdinig sa Kongreso noong Marso 10.

“Ini-expect ko nung araw na 'yun ay lalabas 'yung provisional authority, nagulat ako baligtad pala, ang lumabas 'yung cease and desist order. Nakakadismaya dahil ‘di sila tumupad sa hearing gayong on record 'yun at nasa minutes ng meeting kaya talagang medyo masakit yun,” sabi niya.

Giit din niya na sana man lamang ay nagbigay ng abiso ang NTC hinggil sa ‘di pagtalima sa nauna na nilang ipinangako.

“Ang haba ng panahon… March 10 'yun…tapos ‘di man lang kayo nag-abiso kung anong nangyayari tapos bulagaan ito na ito na pala ang mangyayari,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.