Simulation ng pagboto ng mga PDL idinaos sa bisperas ng halalan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Simulation ng pagboto ng mga PDL idinaos sa bisperas ng halalan

Simulation ng pagboto ng mga PDL idinaos sa bisperas ng halalan

Jasmin Romero,

ABS-CBN News

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/05/08/20220508-manila-city-jail.jpg

Tila all systems go na para sa mga person deprived of liberty (PDL) na bumoto sa halalan matapos silang magdaos ng simulation ngayong Linggo.

Kasama sa mga nagdaos ng pagsasanay ng pagboto ng mga PDL ang Manila City Jail.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief Allan Iral, sinunod nila ang lahat ng protocols ng Department of Health at Commission on Elections para matiyak na hindi magiging COVID-19 superspreader event ang halalan ng mga PDL sa Lunes.

Ayon kay BJMP Spokesperson Xavier Solda, kukuhanan ng temperature ang mga PDL bago bumoto.

ADVERTISEMENT

Ive-verify din umano kung ang PDL ay nasa listahan ng mga botante at kakapkapan.

Kung walang makitang problema, saka pabobotohin ang PDL, na gagawing 10 kada batch sa mga onsite precinct.

Sakaling mataas sa 37.5 degrees Celsius ang temperatura o makitaan ng ibang sintomas ng COVID-19 ang PDL, pabobotohin pa rin siya sa isang isolated polling precinct.

Pauunahin din munang bumoto ang mga lalaking PDL bago ang mga babae.

Nasa 33,409 PDL ang inaasahang makakaboto para sa May 9 elections.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.