P2 milyong halaga ng 'ecstasy' nakumpiska sa BGC; 4 tiklo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P2 milyong halaga ng 'ecstasy' nakumpiska sa BGC; 4 tiklo

ABS-CBN News
Published May 08, 2021 11:44 AM PHT

MAYNILA— Daan-daang piraso ng ecstasy ang nasabat sa apat na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Bonifacio Global City, Taguig nitong Sabado.

Naaresto sa operasyon ang 4 na lalaki na nasa loob nang sasakyan nang magkaroon ng bayaran sa agent na nagpanggap na buyer.

Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakumpiska ang 500 piraso ng Molly o capsulized ecstasy at 100 piraso ng MDMA o ecstasy tablet na nasa halos P2 million ang tinatayang kabuuang halaga.

Ayon kay NCRPO Regional Director Maj. Gen. Vicente Danao Jr., bahagi ito ng isang follow-up operation na layong matunton ang supply chain ng party drugs sa Metro Manila na isinuplong ng mga dati na nilang naaresto.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
Read More:
drugs
ecstasy
Taguig City
Bonifacio Global City
police report
NCRPO
drug operation
droga
krimen
PatrolPH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT