Lalaki patay nang matabunan ng gumuhong lupa mula sa ginagawang balon sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay nang matabunan ng gumuhong lupa mula sa ginagawang balon sa Iloilo

Lalaki patay nang matabunan ng gumuhong lupa mula sa ginagawang balon sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Naghuhukay ang biktima at ama nito sa ginagawang balon nang biglang gumuho ang lupa. Larawan mula sa Lemery Police

Patay ang isang lalaki matapos matabunan ng gumuhong lupa mula sa ginagawang balon sa Barangay Nagsulang sa bayan ng Lemery sa Iloilo, Biyernes ng umaga.

Nakilala ang namatay na si Daniel Biana, 24 anyos at nakatira sa Barangay Carmelo sa Banate sa naturang lalawigan.

Sa imbestigasyon ng Lemery Police, kasama ng biktima ang kaniyang ama sa paghuhukay sa ginagawang balon nang bigla itong gumuho at natabunan ang dalawa.

May 15 talampakan ang lalim ng balon kung saan natabunan ang mag-ama.

ADVERTISEMENT

Mapalad naman na nakaligtas ang ama na kaagad nakaakyat sa itaas.

Samantala, umabot pa ng 30 minuto bago nakuha ang anak nito mula sa gumuhong balon.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng doktor.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantv or TFC.tv

- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.