2 construction workers natabunan ng gumuhong lupa sa Legazpi City

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2020 10:54 AM | Updated as of Dec 16 2020 11:59 AM

Natabunan ng nasa 25 hanggang 30 taas ng gumuhong lupa ang dalawang trabahador ng construction site sa Legazpi City. Umabot ng higit kalahating oras bago narekober ang kanilang mga bangkay. Larawan mula kay Luence Barcena

Patay ang dalawang construction workers matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Legazpi City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Allan Andes at Rolin Bagacay.

Gumuho ang lupa sa construction site ng ginagawang hotel sa Barangay Pinaric,bago mag alas-3 ng hapon ng Martes.

Sugatan din sa insidente ang dalawa pa nilang kasamahan.

Ayon kay Police Lt. Col. Rodelon Betita, hepe ng Legazpi City Police Station, umabot ng mahigit kalahating oras bago narekober ang katawan ng mga biktima. 

Tinatayang nasa 25 hanggang 30 talampakan ang taas ng gumuhong lupa, ayon kay Betita.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari, lalo na ang sanhi ng pagguho ng lupa.


RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC