3 arestado dahil sa pagkatay ng aso sa Pangasinan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 arestado dahil sa pagkatay ng aso sa Pangasinan

3 arestado dahil sa pagkatay ng aso sa Pangasinan

Joanna Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

Tatlo ang arestado, kabilang ang isang barangay kagawad, dahil sa pagkatay ng aso sa Pangasinan nitong Martes ng umaga.

Imbes na nangangampanya, kalaboso ngayon ang re-electionist na si Joven Ledda at dalawang kapitbahay.

Ayon sa pulisya, may nagreport sa kanila na may nagkakatay ng aso sa kanilang lugar.

Nang respondehan ng pulis, naaktuhan ang tatlo na kinakatay at iniluluto na ang aso.

ADVERTISEMENT

Pero depensa ng kagawad na napag-alaman ding miyembro ng committee on agriculture ng kanilang barangay, nagkataon lang na nandoon siya sa bahay ng kapitbahay habang kinakatay ang aso.

"Naghahanap kasi ako ng tutulong sa akin sa pagtatanim, napunta ako sa bahay nila. Sakto namatay iyung aso nila kaya kinatay na nila eh may nagsumbong, saktong dumating (ang mga pulis) at nandun ako," ani Ledda.

Paliwanag ng may-ari ng aso na si Renator Caramat, namatay ang kanilang alagang aso matapos mabigti ng tali kaya napilitan daw sila katayin ito.

"Nagkasakit, kinatay na namin. Di ko naman alam na bawal pala kasi hindi naman namin ipamimigay, kakainin lang naman."

Batay sa Animal Welfare Act, bawal ang pagkatay, pagluto, pagbebenta at pagkain ng aso. At sinumang maaktuhang lumabag dito ay may karampatang parusa.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang mga nahuli.

"Base sa Animal Welfare Act talagang bawal. Sa amin isasampa na namin ung criminal case. Sa administrative case dun sa kagawad, bahala na po ang DILG dun," ani Insp. Felimon Oligo Jr., deputy chief of police ng Rosales Police.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.