Kotse, nadaganan ng puno sa Iligan City dahil sa lakas ng hangin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kotse, nadaganan ng puno sa Iligan City dahil sa lakas ng hangin

Kotse, nadaganan ng puno sa Iligan City dahil sa lakas ng hangin

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula kay Jack Tugot.

ILIGAN CITY - Isang kotse ang nadaganan ng puno sa Beltran Road sa barangay Del Carmen sa Iligan City nitong Biyernes ng hapon dahil umano sa lakas ng hangin.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Ayon kay Teofe Verdida, binabaybay niya ang Beltran Road alas-4 ng hapon habang malakas ang ulan at hangin, nang biglang natumba ang puno ng niyog na nasa gilid ng kalsada.

Tumama raw ang puno sa hood ng minamaneho na kotse ni Verdida. Hindi naman tinamaan ang sakay nito.

ADVERTISEMENT

Dahil nakahambalang ang puno, kinailangang bumalik sa rota ang mga sasakyan.

Natumba rin ang mga puno sa gilid ng Emie Road sa Marawi City dahil pa rin sa malakas na ulan at hangin.

Agad na nagsagawa ng clearing operations sa lugar lalo't ito ang pangunahing daan papuntang Iligan.

- Ulat ni Roxanne Arevalo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.