Mga armadong lalaki tiklo sa Pagadian City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga armadong lalaki tiklo sa Pagadian City

Mga armadong lalaki tiklo sa Pagadian City

Dynah Diestro,

ABS-CBN News

Clipboard

Samu't saring mga baril at bala ang nasamsam ng awtoridad mula sa 19 katao, kabilang ang dalawang pulis. Dynah Diestro, ABS-CBN News

PAGADIAN CITY – Inaresto ng awtoridad ang 19 armadong lalaki sa Barangay Danlugan, Lunes ng hapon dito sa siyudad dahil umano sa paglabag sa election gun ban at harassment ng ilang kawani ng media.

Ayon sa hepe ng Pagadian City Police na si Police Lt. Col. Alvin Saguban, nakatanggap ng report ang mga sundalo ng 53rd Infantry Battalion na may grupo ng mga armadong lalaki na lulan ng dalawang pick-up.

Inireklamo sila ng pangha-harass ng ilang miyembro ng mga lokal na mamamahayag ng lungsod na noo’y nag-iikot para kumuha ng balita.

Dalawa sa mga nahuli ay mga pulis ng Pagadian City Police Station. Kinilala silang sina Police Senior Master Sgt. Rex Barmedo at Police Cpl. Michael Dagupan.

ADVERTISEMENT

“Wala po kaming instruction na mag-join sila sa grupo ng lawless na ‘yon na may dalang unlicensed firearms. Ang isa doon ay may temporary security detail, definitely naka-detailed sila sa isang politiko si Cpl. Michael Dagupan," ani Saguban.

"Iyong isa according to Cpl. Dagupan, dinaanan lang nila kasi kakilala nga niya, sumakay doon si PSMSgt. Rex Barmedo, ang position po niya dito sa atin is beat patroller, nagkataon na off siya,” dagdag niya.

Narekober ng awtoridad ang 5 M16 rifle, 7 kalibre .45 pistol, 2 kalibre .357 revolver, 1 9mm pistol, kalibre .38 revolver at kalibre .22 revolver, iba’t ibang uri ng bala, at 17 bonnet na suot ng mga suspek.

Nasa kustodiya din ng pulisya ang dalawang ginamit na sasakyan.

Dagdag ni Saguban, iimbestigahan din nila kung ang mga nakuhang baril mula kina Barmedo at Dagupan ay pagmamay-ari nila o service firearms.

Kakasuhan ng paglabag sa election gun ban, illegal possession of firearms at terrorism ang mga nahuling suspek habang dagdag na kasong administratibo ang haharapin ng dalawang pulis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.