Barangay sa Iloilo City isinailalim sa 3 araw na lockdown | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay sa Iloilo City isinailalim sa 3 araw na lockdown

Barangay sa Iloilo City isinailalim sa 3 araw na lockdown

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2020 08:31 PM PHT

Clipboard

Isinailalim simula ngayong Miyerkoles sa extreme enhanced community quarantine ang isang barangay sa Iloilo City para makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) at makapagsagawa ng mass testing sa lugar.

Nagsimula ang lockdown sa Barangay Santo Niño Sur sa Arevalo district alas-12:01 ng hatinggabi ngayong Miyerkoles at matatapos ito alas-11:59 ng gabi sa Sabado.

Ito ay matapos umakyat sa 5 ang kabuuang bilang ng mga tagabarangay na positibo sa COVID-19.

Sa unang araw ng lockdown, isinailalim sa polymerase chain reaction (PCR) test ang mga nakasalamuha ng mga positibo sa COVID-19 habang rapid test naman ang isinagawa sa ibang residente.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, 3 araw kasi ang aabutin bago mailabas ang resulta ng PCR test kaya minabuti niyang huwag munang magpalabas o magpapasok ng residente sa barangay.

Ang lokal na pamahalaan ang magbibigay ng pangunahing pangangailangan ng higit 2,000 kabahayan sa barangay sa loob nang 3 araw.

"We will provide what is needed for them from medicine, food, drinking water," ani Treñas.

Katuwang ni Treñas ang mga opisyal ng barangay sa pamimigay ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga residente.

Sa kabuuan, umabot na sa 15 ang kaso ng COVID-19 sa buong Iloilo City, na nasa ilalim ng enhanced community quarantine hanggang Mayo 15.

Plano rin ng lungsod na magpatayo ng sariling testing center para mapabilis ang paglabas ng resulta at mas marami pang mai-test sa sakit. -- Ulat ni Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.