10 tagasuporta ni Jonvic Remulla kinasuhan ng 'vote-buying' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

10 tagasuporta ni Jonvic Remulla kinasuhan ng 'vote-buying'

10 tagasuporta ni Jonvic Remulla kinasuhan ng 'vote-buying'

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2019 08:06 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Kinasuhan ngayong Lunes ang 10 tagasuporta ng tumatakbong gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla dahil sa umano ay pamimili ng boto.

Kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang isinampa sa mga tagasuporta, na naaresto noong Sabado sa operasyong ikinasa ng pulisya sa Barangay Zapote V, Bacoor City.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya matapos makatanggap ng impormasyong may nangyayaring "vote-buying" o pamimili ng boto sa nasabing barangay.

Nakuha sa mga suspek ang mga brown envelope na may lamang tig-P200.

ADVERTISEMENT

Nakumpiska rin ang higit P83,000, mga plastic bag ng baller, at notebook na may mga nakalistang pangalan.

May nakuha ring campaign T-shirts na may nakasulat na pangalan ni Remulla at kapartidong si Jolo Revilla, na muling tumatakbo sa pagkabise gobernador.

Inamin ni Remulla na mga tauhan niya ang mga naaresto pero hindi umano sila namimili ng boto.

"Allowance 'yon para sa watchers' traning namin," ani Remulla.

"Walang sampling ballot, walang sinasabing iboto, ang sinasabi lang pumunta sa lugar na ito for watchers' training," dagdag niya.

Ipinauubaya muna ng Commission on Elections sa Cavite police ang imbestigasyon sa mga naaresto.--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.