14-anyos na anak ng tanod, pinagbabaril sa Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
14-anyos na anak ng tanod, pinagbabaril sa Quezon City

Bianca Dava,
ABS-CBN News
Published May 06, 2017 01:48 PM PHT

MANILA – Patay ang anak ng isang barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa natutukoy na salarin sa Quezon City.

Natagpuan ni Boy Miras, tanod sa Barangay Old Balara, ang kanyang 14-anyos na anak na si Michael Miras sa kubol nito na tadtad ng bala ang ulo at katawan.

Pinaghihinalaang may kinalaman sa iligal na droga ang pamamaslang.

Wala pa umanong 10 minuto mula nang makauwi si Michael mula sa paglalaro ng cara y cruz bandang alas-3 ng madaling araw ng Sabado nang matagpuan ang kanyang bangkay.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril, na umano’y galing sa labas ng kubol.

Dalawang lalaking nakasuot ng bonnet ang umanong nagpaulan ng bala sa biktima.

Sakay sila ng berdeng kotse, pero hindi nakita ng mga saksi ang plaka.

Ayon sa nakatatandang Miras, walang kaaway ang kanyang anak, na nagtatrabaho bilang jeepney barker. Ngunit suspetsa niya umanong may kinalaman sa bawal na gamot ang pagkamatay ng anak, dahil gumagamit daw ito dati ng iligal na droga.

Pinagsabihan na raw niya dati ang anak na tumigil sa paggamit ng iligal na droga, at sinunod daw siya nito.

Tatlong basyo ng M-16 rifle, at dalawang basyo ng kalibre .45 ang nakuha sa crime scene.

Ipinagpapatuloy ng mga otoridad ang imbestigasyon sa insidente.