DOH tiniyak na ligtas ang polling precincts sa harap ng pandemya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOH tiniyak na ligtas ang polling precincts sa harap ng pandemya

ABS-CBN News
Published May 04, 2022 07:32 PM PHT

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas at naaayon sa COVID-19 protocols ang sistema sa mga polling precinct sa pagdaraos ng halalan sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, bukod sa mga unang inilabas na protocol ng Commission on Elections (Comelec), nagbigay pa ang DOH ng dagdag na rekomendasyon para masigurong maiiwasan ang pinangangambahang hawahan sa halalan.

"We are suggesting that safety officers should be there kasi ang Comelec may marshals," ani Vergeire.

"They have to ensure 'pag may nakapasok na may sintomas, nandoon na rin siya, mayroong isolation precinct. Pero dapat masigurado na mai-refer agad sa local government right after voting para ma-manage," dagdag niya.

ADVERTISEMENT
Ang pagkakaroon ng sapat na bentilasyon sa mga presinto ang isa sa pinakamahalagang masunod bukod sa pagsusuot ng mask at palagiang pag-sanitize ng mga kamay ng mga botante.

Sa isang pribadong eskuwelahan sa San Juan, walang problema sa aspetong ito dahil nasa covered gym ang 17 presinto.

Pero ayon kay Helen Acedo, naka-assign na Department of Education Supervisor Official (DESO) doon, kahit pa walang naging aberya sa isinagawang final testing at sealing, hindi pa rin mawala ang kaniyang kaba.

"Hindi tayo normal situation na puwedeng kumpol-kumpulan. Sana before election, alam na nila sino ang iboboto nila. Hindi 'yong dito pa sila magche-check 'di ba? So tatagal sila dito," ani Acedo.

Sa Maynila, bukod sa final testing at sealing ng mga vote counting machine, nagkaroon din ng simulation ng pagboto sa mga isolation polling place.

Lahat ng 87 polling center sa lungsod, magkakaroon ng tig-isang isolation polling precinct (IPP), kung saan nakasuot ng personal protective equipment ang magbabantay doon.

Pero paano nga ba ang pagboto ng may sintomas o may temperatura ng 37.5 degrees Celsius sa IPP?

"Pagdating niya sa isolation polling place, may pinapirmahan sa kaniyang waiver at authorization letter na pinapayagan niya si isolation polling place support staff na kumuha ng balota nya," anang election officer na si Gregorio Bonifacio.

"Si safety protocol officer ang pupunta kung saan mang clustered precinct nakarehistro 'yong nag-37.5 [degrees Celsius] and then siya kukuha ng balota and then after makuha ni safety protocol officer 'yong balota, ibinigay po kay IPP support staff at boboto na si botante," paliwanag niya.

Matapos bumoto, makikipag-ugnayan ang Comelec sa local government unit para ma-manage ang kalagayan ng botanteng nagpakita ng sintomas o mataas na temperatura.

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Covid-19
coronavirus
halalan 2022
election
eleksyon
eleksyon 2022
elections
Philippine elections
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT