Comelec official tutol pagsabayin ang #Halalan2022, pagbabakuna | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Comelec official tutol pagsabayin ang #Halalan2022, pagbabakuna

Comelec official tutol pagsabayin ang #Halalan2022, pagbabakuna

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagsagawa ng final testing at sealing ng vote-counting machines ang ilang miyembro ng Electoral Board at poll watchers sa Melencio M. Castelo Elementary School sa Quezon City nitong Martes. Mark Demayo, ABS-CBN News
Nagsagawa ng final testing at sealing ng vote-counting machines ang ilang miyembro ng Electoral Board at poll watchers sa Melencio M. Castelo Elementary School sa Quezon City nitong Martes. Mark Demayo, ABS-CBN News


MANILA — Hindi pabor si Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na isabay ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mismong halalan sa Mayo 9, 2022.

"We have to focus sa election muna. Ibig sabihin, we have to allow our voters to vote first. Huwag na isabay sa pagboto, alam n'yo po kung bakit? Malilito po ang botante," sabi ni Garcia nitong Miyerkoles sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Magdudulot aniya ng kalituhan kung aakalain ng mga botante na requirement ang bakuna upang makaboto.

"Baka lalo matakot pumunta 'yung iba... lalo na 'yung unvaccinated lalo na sa kanilang personal na paniniwala, personal man o religious whatever, ayaw nilang magpabakuna, hindi na po sila pupunta sa mga presinto," sabi ni Garcia.

ADVERTISEMENT

"Baka ma-confuse [ang] electorate natin. Ang dami na nilang iniisip. Ang daming akala na nila bawal, baka mapasama pa 'yung pagbabakuna akala nila mandatory requirement before casting their votes," dagdag niya.

Sa ngayon aniya, wala pang natatanggap ang kaniyang tanggapan na request mula sa Department of Health (DOH) para sa pagtatayo ng vaccination sites sa mga polling precinct.

Ani Garcia, wala namang batas para sa mandatory vaccination kaya mas mabuting pag-isipan muna ito.

Lalo rin aniyang sisikip ang mga voting center kung maglalagay pa rito ng vaccination facility.

Pupuwede rin aniya na wala munang bakunahan sa May 9 upang pagboto lamang ang maging pokus ng mga awtoridad.

"Siguro kung gagawin nila sa mga barangay hall perhaps, yes, okay po 'yun, medyo malapit sa eskuwelahan but not inside the polling places... Nagkaroon naman tayo ng vaccination days before and we can always do that every day. Sana huwag lang po 'yung Mayo a-9 because we would like to focus really on allowing our voters to vote," ani Garcia.

Bakunado na kontra COVID-19 ang hindi bababa sa 75 porsiyento ng target population ng bansa.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.