Pulis patay sa pananambang sa Antipolo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis patay sa pananambang sa Antipolo

Pulis patay sa pananambang sa Antipolo

Angel Movido,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 04, 2018 10:02 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA- Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang kinakasama nito matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa lungsod ng Antipolo nitong Biyernes.

Nasawi sa pamamaril si Supt. Ramy Tagnong, isang abogado at hepe ng legal division ng Police Regional Office 4-A.

Ayon kay Police Supt. Serafin Petalio, hepe ng Antipolo Police, galing sa bahay ang mga biktima at papunta sana sa Quiapo Church para magsimba nang biglang pagbabarilin ng tinatayang nasa 3 salarin sa kahabaan ng M.L. Quezon Street sa Barangay Dilag 1.

Naitakbo pa sa Antipolo Doctors Hospital ang mga biktima pero dead on arrival na ang pulis habang nilalapatan pa ng lunas ang kaniyang kinakasama na nagtamo naman ng mga tama ng bala sa kaniyang likod at kaliwang braso.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kinakasama ni Tagnong, may dalang baril ang pulis pero nakalagay ito sa bag at masyadong mabilis ang mga pangyayari kung kaya't hindi na nakaganti pa ng putok sa mga suspek.

Nakuha mula sa crime scene ang 12 basyo ng bala mula sa kalibre 40.

Ayon kay Petalio, posibleng naglalakad lang ang mga salarin nang abangan ang mga biktima,at may get-away vehicle na traysikel, at kulay itim at pulang motorsiklo.

Hindi naman namukaan ang mga salarin dahil nakatakip ang mga mukha nito.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.