World Press Freedom Day, ginunita sa pamamagitan ng isang forum sa UP Diliman | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

World Press Freedom Day, ginunita sa pamamagitan ng isang forum sa UP Diliman

World Press Freedom Day, ginunita sa pamamagitan ng isang forum sa UP Diliman

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 14, 2025 03:02 PM PHT

Clipboard

Idinaan sa isang forum ang paggunita ng World Press Freedom Day sa UP Diliman nitong Miyerkoles.
Idinaan sa isang forum ang paggunita ng World Press Freedom Day sa UP Diliman nitong Miyerkoles.

MAYNILA - Kasabay ng paggunita ng World Press Freedom Day, nagsama-sama sa isang forum sa College of Mass Communication sa University of the Philippines Diliman ang ilang mga mamamahayag, estudyante at propesor sa larangan ng pagbabalita para talakayin ang kalagayan ng malayang pamamahayag o press freedom sa bansa.

Kabilang sa mga natalakay dito ang sinapit ng ABS-CBN matapos hindi i-renew ang prangkisa ng Kapamilya network.

Sabi ni Melinda Quintos de Jesus - Executive Director ng Center for Media Freedom and Responsibility o CMFR, malaki ang naging epekto ng ABS-CBN shutdown sa larangan ng pagbabalita sa bansa.

“Ang pagsasara ng ABS-CBN naramdaman sa lahat ng newsroom hindi lamang ng ABS-CBN, ito maaring mangyari kahit sa sinoman, mayroong news organization, editor, journalist, kahit sino maaring mawalan ng trabaho, maaring mapinid, matapos yung kanilang ginagawa para matigil ang pag-cover na walang ibang iniisip kundi ang malaman ng tao ang katotohanan,” sabi ni de Jesus.

ADVERTISEMENT

Ayon kay de Jesus, nagkaroon ng pagbabago sa landscape ng pagbabalita dahil sa naturang shutdown.

“Nakikita namin na maraming issue na hindi na narereport, maraming storya na hindi na sinusundan, tumitigil na pagkatapos magsalita yung mga opisyal, sa lahat mapapansin ang pagkukulang ng ganoong pamamahayag na critical questioning at hindi lamang tumatanggap kung ano ang sinasabi ng mga nasa poder,” dagdag pa ni de Jesus.

Kabilang sa mga nagsilbing panelist sina Jeff Canoy, chief of reporters ng ABS-CBN News; freelance journalist na si Rambo Talabong; Kiara Gorrospe, Journalism major mula sa UP CMC; Drema Quintayen mula sa Cotabato City; at Jonathan de Santos, Chairperson ng National Union of Journalists of the Philippines.

Para kay Canoy, bagamat marami nang nagbago sa landscape ng pababalita sa Pilipinas kasunod na rin ng malawak na paggamit ng social media, hindi aniya dapat na makalimutan ng mga mamamahayag ang kanilang mahalagang trabaho.

“I think ang mahalagang trabaho ngayon ng mga journalist is not only to debunk the fake but also to curate the truth, because it’s not just us who are telling truth online now. It’s very important for the journalist to do what we did before which is to give a platform to amplify the truth,” sabi ni Canoy.

ADVERTISEMENT

Natanong din ang mga bisitang mamahayag kung ano nga ba ang ibig sabihin ng journalist o mamamahayag.

Nagkakaisa ang mga ito na naka-angkla sa truth o katotohanan ang tunay na pamamahayag.

“Someone who fights for the truth in whatever medium or form, answerable to the people, sila yung responsibildad natin, sila yung karga natin araw-araw,” sabi ni Canoy

“Journalist from how I see it is someone who deals with the truth, someone who is equipped to tell the truth,” sabi ni Gorrospe.

Sabi ni Jonathan de Santos ng NUJP, maraming natutunan ang hanay ng mga mamamahayag sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

“Ang isa sa mga natutunan natin ay kailangan nating magtulungan, kailangan nating suportahan ang isat-isa sa mga ganitong threats at pangalawa, nakita naman natin after nung shutdown napakalaki nung nawala, nawala yung regional stations, nawala yung reach yung mga kababayan natin walang source ng impormasyon so kailangan pa rin ma-fill yung gap na yun, kailangan pa rin yung vaccum na naiwan ng ABS-CBN at sana makabawi yung regional station at makabawi yung community press,” sabi ni De Santos.

Kasama sa programa sa UP ang isang exhibit bilang pagkilala kay Dean Luis V. Teodoro na itinuturing na champion ng press freedom.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.