PatrolPH

Umano’y tulak patay sa anti-drug operation sa Cavite

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at May 03 2021 06:46 AM

Watch more News on iWantTFC

Nauwi sa pagkamatay ng isang lalaki ang buy bust ng pulisya sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite, Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat ng GMA Municipal Police Station, napatay umano ang target na si Jonathan Mulos, 36, nang mauwi sa engkwentro ang pagbili sa kaniya ng droga sa Pasong Saging, Poblacion 5.

Sabi ng mga pulis, nagpaputok ng baril si Mulos sa mga pulis na aaresto sa kaniya pagkatapos ng transaksyon kaya pinaputukan siya pabalik.

Binilhan siya noon ng 5 sachet ng shabu sa halagang P600.

Dineklara siyang dead on the spot ng rumespondeng municipal rescue team.

Binawi ng pulis bilang ebidensya mula sa suspek ang baril, mga sachet, at buy-bust money.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.