Mag-asawang iniuugnay sa NPA, patay sa engkuwentro sa Camarines Norte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-asawang iniuugnay sa NPA, patay sa engkuwentro sa Camarines Norte

ABS-CBN News
Published May 03, 2021 03:15 PM PHT

Patay ang mag-asawang sinasabing kasapi ng New People's Army (NPA) matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Capalonga, Camarines Norte noong umaga ng Linggo.

Ayon sa pulisya, pinaulanan sila ng mga putok ng baril ng mga armadong lalaki habang nagsisilbi ng search warrant para sa mag-asawa dahil sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Tumagal umano sa 15 minuto ang engkuwentro, kung saan nasawi ang mag-asawa.

Ang isa sa mga nasawi ay sinasabing sekretarya ng San Antonio base ng NPA sa Camarines Norte na pinamumunuan ng isang “Ka-Ding.”

Sa kabila nito, itinuloy ng pulisya ang paghalughog sa bahay at nakumpiska ang 2 improvised explosive device, mga detonating fuse at cord, at 20 bala ng baril.

Narekober din ang mga baril na ginamit sa engkuwentro.

Patuloy na tinutugis umano ng mga awtoridad ang mga nakatakas na kasamahan ng mag-asawa.

—Ulat ni Jonathan Magistrado
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Capalonga
Camarines Norte
shootout
engkuwentro
New People's Army
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT