PatrolPH

Lalaki patay nang barilin ng pinsan sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at May 03 2021 11:50 AM | Updated as of May 03 2021 11:55 AM

Patay ang isang lalaki matapos umanong barilin ng kaniyang pinsan sa Pontevedra, Capiz noong gabi ng Linggo, ayon sa pulisya.

Kinilala ang biktima bilang si Franklin Billones, residente ng Barangay Sublangon sa Pontevedra.

Ayon sa Pontevedra police, pinuntahan ng biktima ang bahay ng suspek, na katabi lang ng bahay niya, matapos makarinig ng putok ng baril.

Sinubukan umanong awatin ni Billones ang suspek, na noo'y nakikipag-inuman kasama ang mga kaibigan, pero hindi ito nakinig at sa halip ay binaril ang biktima.

Tinamaan sa dibdib ang biktima, na agad dinala sa ospital pero idineklara ring dead on arrival, sabi ng pulisya.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na tumakas matapos ang pamamaril. Sumuko naman ang kaniyang mga kasamahan.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.