Pagtatalo ng magkapatid at pinsan nauwi sa barilan; 1 patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagtatalo ng magkapatid at pinsan nauwi sa barilan; 1 patay

ABS-CBN News
Published Apr 26, 2021 06:13 PM PHT

TAPAZ, Capiz — Patay ang isang lalaki matapos siyang barilin ng kaniyang pinsan sa Barangay Artuz sa bayan na ito noong Sabado.

Nakilala ang biktima na si Joie Genodia, 35.

Sa imbestigasyon ng Tapaz police, unang nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang kanyang nakatatandang kapatid.

Umabot pa umano ito sa tangkang pagtaga ng biktima sa kapatid ngunit namagitan ang suspek, na pinsan ng magkapatid.
Umabot pa umano ito sa tangkang pagtaga ng biktima sa kapatid ngunit namagitan ang suspek, na pinsan ng magkapatid.
ADVERTISEMENT
Hindi nakinig ang biktima at nang handang tatagain na nito ang kapatid ay binaril ito ng suspek nang ilang beses at tinamaan sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Kaagad na isinugod sa ospital ang biktima pero makalipas ang ilang oras ay namatay ito habang ginagamot.

Mabilis naman na tumakas ang suspek pagkatapos gawin ang krimen.

Nakuha sa lugar ng insidente ang 3 basyo ng hinihinalang 45 caliber pistol.

Patuloy ang imbestigasyon at paghahanap sa suspek.

—Ulat ni Rolen Escaniel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT