Higit P1 milyon nalikom ng Cainta mayor sa pagsubasta ng mga sapatos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit P1 milyon nalikom ng Cainta mayor sa pagsubasta ng mga sapatos

Higit P1 milyon nalikom ng Cainta mayor sa pagsubasta ng mga sapatos

ABS-CBN News

 | 

Updated May 03, 2020 01:26 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Umabot na sa higit P1 milyon ang perang nalikom ni Cainta Mayor Kit Nieto matapos ang 19 araw na pagpapasubasta sa kaniyang mga koleksiyong sapatos.

Sinimulan ni Nieto noong Abril 14 ang papasubasta o pagpapa-auction sa kaniyang mga sapatos para makalikom ng pondong ibibigay bilang cash assistance sa mga pamilya na hindi nakatanggap ng pinansiyal na tulong sa ilalim ng social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development.

Tatlong rubber shoes, na bahagi ng koleksiyon ng mayor, ang ipinasusubasta kada araw, ayon kay Nieto.

Sinabi rin ni Nieto na hanggang sa matapos ang enhanced community quarantine o matapos ang kaniyang koleksiyon ay magpapatuloy siya sa pagpapa-auction ng mga sapatos.

ADVERTISEMENT

Dahil umano sa proyekto, mabibigyan na ni Nieto ng P2,000 cash assistance ang nasa 589 displaced workers o mga manggagawang nawalan ng mapagkakakitaan dahil sa community quarantine.

Noong Marso sinimulang isailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Pinalawig ang enhanced community quarantine hanggang Mayo 15 sa ilang panig ng bansa habang ang iba ay isinailalim sa general community quarantine, kung saan may mga mas maluwag na patakaran para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.