Makikita sa larawang ito ang pera at drogang nasamsam sa bahay ng magkapatid na lider umano ng sindikato. ABS-CBN News
CEBU CITY - Patay ang magkapatid na hinihinalang lider ng isang sindikato ng droga matapos umanong pumalag sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust operation sa lungsod na ito, Miyerkoles ng gabi.
Bumunot ng baril at nanlaban ang mga suspek na sina Joseph at Romeo Oralde sa mga operatiba sa kanilang inuupahang bahay sa Barangay Duljo Fatima, ayon kay Supt. Glenn Mayam, hepe ng Central Visayas Drug Enforcement Group.
Nakuha aniya sa lugar ang nasa P5 milyon na halaga ng hinihinalang shabu.
Pinamumunuan ng magkapatid ang Oralde Drug Group na umaabot sa buong Central Visayas, sabi ni Mayam.
Nasugatan naman aniya sa operasyon ang kaibigan at umano'y drug runner ng magkapatid.
Inaalaam pa aniya kung saan kumukuha ng droga ang magkapatid at kung sino ang iba pa nilang kasabwat.
Ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.