Chinese arestado sa bintang na panggagahasa sa dalagita | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chinese arestado sa bintang na panggagahasa sa dalagita

Chinese arestado sa bintang na panggagahasa sa dalagita

ABS-CBN News

 | 

Updated May 03, 2018 11:20 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naaresto noong Martes ang isang Chinese matapos umanong manggahasa ng isang menor de edad sa Parañaque City.

Hinuli ang suspek na si Su Kechi matapos idulog sa pulisya ng mga kaanak ng biktimang si alyas "Donna," 17, ang sumbong ng dalagita hinggil sa panghahalay na ginawa ng dayuhan.

Kuwento ng tiyahin ni Donna, tinanggap ng biktima ang raket bilang tagakulay ng buhok ni Su, na mabilis pinagkatiwalaan dahil kaanak ng amo ni Donna, na nagtatrabaho bilang waitress.

Pinapunta si Donna sa bahay ni Su at matapos makulayan ay agad umalis ang biktima pero pinabalik siya ni Su at doon na ginahasa.

ADVERTISEMENT

"Pinabalik 'yong aking pamangkin dahil 'di raw alam kung paano, ilang oras liguan 'yong buhok. Edi bumalik naman itong pamangkin ko," anang tiyahin ng biktima.

Matapos ang insidente, agad nagsumbong si Donna sa tiyahin at pinsan kaya mabilis na inilapit sa pulisya ang insidente.

Sinampahan ng kasong rape ang suspek.

Ayon naman kay Senior Inspector Jerry Sunga, hepe ng investigation division ng Parañaque police, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang ahensiya para malaman kung documented ang mga dayuhan sa lugar, lalo na ang mga nasasangkot sa reklamo.

Ipinapayo rin ng pulisya sa mga magulang na kung papayagang mamasukan ang menor de edad na kaanak ay kailangan pa ring bantayan at gabayan ang mga ito para makaiwas sa kapahamakan.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.