QR code system sa Boracay iminungkahi para makontrol ang dami ng turista

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

QR code system sa Boracay iminungkahi para makontrol ang dami ng turista

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

Clipboard

Beach sa Boracay. AFP/File
Beach sa Boracay. AFP/File

MAYNILA — Matapos dagsain ng mga turista ang Boracay Island noong Holy Week, iminumungkahi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapatupad ng QR code system.

Inirekomenda ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation and Management Group (BIARMG) na gamitin ang QR code sa contact tracing para matukoy ang dami ng mga turistang papasok sa isla.

Ayon kay BIARMG General Manager Martin Jose Despi, maiiwasan nitong maulit ang nangyaring overcrowding sa Boracay particular noong nakaraang Holy Week.

Pumalo sa 21,000 hanggang higit 22,000 na turista ang bumisita sa pamosong pasyalan noong April 14 at 15, Maundy Thursday at Good Friday.

ADVERTISEMENT

Base sa pag-aaral ng DENR, 19,215 turista lang ang carrying capacity ng Boracay kada araw.

Para sa DENR, mahalagang nasusunod ang carrying capacity ng isla para maprotektahan at mapangalagaan ang kalikasan.

Maaari kasing maapektuhan ang resources ng isla kung sobra-sobra ang populasyon dito.

Sa pagpapatupad ng QR code system, iminungkahi ng BIARMG na suriin ang bilang ng mga pasahero ng shipping at airlines pati ng hotels para maiwasan ang overbooking.

Sinabi naman ni Environment Undersecretary Jonas Leones na pag-aaralan ng ahensya kung posible pang madagdagan ang carrying capacity ng isla.

Nauna nang iginiit ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kailangang sundin ang mga eksperto sa itinakdang carrying capacity ng Boracay.

RELATED VIDEO
Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.