Legal system 'winalanghiya' sa kaso ni De Lima: abugado
ADVERTISEMENT
Legal system 'winalanghiya' sa kaso ni De Lima: abugado
ABS-CBN News
Published May 02, 2022 11:34 PM PHT

MAYNILA—"Winalanghiya" umano ng administrasiyong Duterte ang legal system sa bansa kaugnay ng mga illegal drug charge laban kay Sen. Leila de Lima, ayon sa abugado ng senador.
Matapos umamin si dating Bureau of Corrections OIC Rafael Ragos na kasinungalingan lamang ang mga paratang niya laban kay De Lima, dapat umanong imbestigahan ng Department of Justice ang mga ranggo nito, ayon kay Atty. Dino de Leon, legal counsel ni De Lima.
Nabanggit ni De Leon na pinangalanan ni Ragos si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nangtakot umano sa dating BuCor official para akusahan ng kasinungalingan si De Lima.
Ani De Leon, documentary evidence ang bagong affidavit ni Ragos kaugnay sa kaniyang pagbawi.
ADVERTISEMENT
"Gross injustice" umano ang ginawa laban kay De Lima noong mga congressional hearing noong 2016 kung saan iba't ibang mga umano'y testigo ang nag-akusa sa senador ng iba't ibang paratang.
Ayon naman kay prosecutor general Ben Malcontento, wala na daw epekto si Ragos sa mga illegal drug charge ng senador para sa prosekusyon.
Wala pa umanong legal effect ang pagbaliktad ni Ragos, na kailangan mag-testify sa korte kung gusto niya magka-epekto sa kaso ang pagbawi niya.—SRO, TeleRadyo, Mayo 2, 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT