8 patay sa sunog sa Quezon City; 150 pamilya apektado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 patay sa sunog sa Quezon City; 150 pamilya apektado

8 patay sa sunog sa Quezon City; 150 pamilya apektado

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 02, 2022 07:21 PM PHT

Clipboard

Sumiklab ang sunog sa Barangay UP Campus sa Quezon City, Mayo 2, 2022. ABS-CBN News
Sumiklab ang sunog sa Barangay UP Campus sa Quezon City, Mayo 2, 2022. ABS-CBN News

Trahedya ang sumalubong ngayong umaga ng Lunes sa mga taga-Barangay UP Campus sa Quezon City matapos sumiklab ang sunog sa komunidad, kung saan 8 ang namatay habang 150 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Kabilang sa mga nasawi ang 6 na kamag-anak ni Maria Alea Evangelista, na hindi napigilang maiyak nang malaman ang sinapit ng mga kapamilya.

"Ang buong pag-asa kasi siguro noong mag-iina, kaya tumakbo doon sa itaas, sa bahay ng tiyahin ko, ang pag-asa nila, hindi aabutin [ng sunog] 'yong bahay. Doon sila na-trap kasi wala na pong daanan," ani Evangelista.

Tatlo umano sa mga nasawi ay mag-iina, dalawa ang senior citizen, isa ang may kapansanan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa.

ADVERTISEMENT

"Hindi na po natin sila makilala kasi charred beyond recognition po sila. 'Yong 6 po nag-umpukan doon sa passage way, doon sila na-trap," sabi ni Fire Senior Inspector Jose Felipe Arrea ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City.

Watch more News on iWantTFC

Bandang alas-5 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa may Village A sa barangay, dahilan para magsilabasan agad sa kalsada ang mga residenteng halos wala nang naisalba.

Bukod sa 8 nasawi, may 3 ring naitalang nasugatan.

Iniimbestigahan ng mga tauhan ng BFP ang pinagmulan ng apoy.

Sa Valenzuela City, nasunog naman ang 4 na tindahan sa isang talipapa noong gabi ng Linggo.

Ayon sa BFP, kabilang sa mga nasunog ang stall ng gulay, isda, cellphone, accessories at isang bakanteng stall.

Wala namang nasaktan sa insidente dahil agad nakalabas ang natutulog na bantay na si Elando dela Peña.

Tingin ni Dela Peña ay mga naiwang nakasaksak na appliance ang pinagmulan ng sunog.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at halaga ng pinsala.

— May ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.