‘Sakristan’, timbog sa pagtutulak ng droga sa simbahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Sakristan’, timbog sa pagtutulak ng droga sa simbahan

‘Sakristan’, timbog sa pagtutulak ng droga sa simbahan

ABS-CBN News

Clipboard

PILI, Camarines Sur – Kalaboso ang isang lalaki matapos na mahuli sa ikinasang buy bust operation sa grotto ng isang simbahan sa Barangay Palestina nitong Sabado ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Arjay Avila, alyas “Sakristan”, 27-anyos

Ayon kay Police Chief Inspector Chito Oyardo, hepe ng Pili Police, isinagawa ang operasyon laban sa suspek sa grotto, malapit sa Christ the King Parish church noong Sabado ng gabi.

Nakumpiska mula kay Avila ang 3 sachet ng hinihinalang shabu. Dalawa sa sachets ng shabu ang nagawa pa umanong itapon ni Avila nang matunugang pulis pala ang kanyang ka-transaksiyon.

ADVERTISEMENT

“Alyas Sakristan, according sa mga naka-transaksyon niya. Sampung taon na itong ampon ni father sa Christ the King. Nagkabilihan sa grotto. Ayun, hinuli na,” ayon kay Oyardo.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na nakapagtapos sa pagiging mariner sa tulong ng pamilya ni Father Danilo Vargas.

Pero nilinaw naman ni Fr. Vargas na hindi sakristan mayor o naging sakristan ng simbahan nila si Avila. Sa Maynila na daw ito nakatira, pero nagpupunta sa simbahan para bisitahin ang kapatid na pinapaaral ng pari.

“Hindi siya sakristan dito. Hindi namin siya naging sakristan. Nag stay siya noon sa mother ko sa Penafrancia pero nakatapos na rin siya sa mariners (Mariners Polytechnic Colleges) seaman,” paliwanag ni Fr. Vargas.

Labis na ikinabigla ng paril ang nangyari. Nasa anticipated Mass siya sa isang subdibisyon sa Palestina, Pili, Camarines Sur nang gawin ang buy bust operation.

Hindi umano niya alam na dawit si Avila sa transaksyon ng iligal na droga.

Ang kapatid ng suspek na si Jeffrey, na nakatira sa simbahan ng Christ the King, naniniwalang frame up ang nangyari sa kanyang kapatid.

Sa eksaminasyon ng Camarines Sur Crime Laboratory, positibong methamphtamine hydrochloride o shabu ang nakuhang tatlong sachets kay Avila.

Naisampa na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.