Mga sasakyan, nalubog sa pagragasa ng tubig mula sa bundok | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga sasakyan, nalubog sa pagragasa ng tubig mula sa bundok

Patricia Mendoza,
ABS-CBN News
Published May 02, 2017 11:57 PM PHT

GENERAL TINIO, Nueva Ecija – Isang SUV at dalawang truck ang nalubog sa ilog matapos rumagasa ang tubig galing sa bundok, Linggo ng hapon sa Minalungao National Park sa General Tinio, Nueva Ecija.

Nakuhanan pa ng video ni Prince Delima ang malakas na agos ng tubig na galing sa itaas ng bundok.

Mabilis ang pangyayari pero naabisuhan naman agad ang mga tao.

Namamasyal ang mga may-ari ng isang SUV at dalawang truck na nakaparada malapit sa pampang ng ilog kaya inabot ng tubig.

"May mga galing sa bundok ang nagsabi. Tapos sinabihan ung opisyal namin sa baba kaya nakapagwangwang at naiahon pa lahat,” pahayag ng isa sa mga saksi na si Elsie del Valle.

Ayon naman kay Dr. Reynaldo Tamayo Jr. ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa General Tinio, umulan noong Sabado.

"Baka mas malakas sa itaas. Hindi naman ramdam pa nung umaga,” sabi niya.

Kumpleto umano ang mga early warning device sa lugar. Marami ring bantay sa paligid para sa seguridad at mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin gaya ng pagsusuot ng life vest.

Isinasara ang lugar kapag talagang mapanganib.

"Kumpleto po kami. May mga tao rin kaming nakatala sa mga paligid ng lugar para magbabantay," dagdag ni Tamayo.

Narekober ang mga sasakyan matapos humupa ng tubig.