PITX dinagsa ng mga pasaherong pa-Bicol dahil sa power outage sa NAIA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PITX dinagsa ng mga pasaherong pa-Bicol dahil sa power outage sa NAIA

PITX dinagsa ng mga pasaherong pa-Bicol dahil sa power outage sa NAIA

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Ikinagulat ng mga tauhan ng ilang bus company sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang biglaang pagdagsa ng mga pasahero nitong umaga ng Lunes.

Ang buhos ng mga pasahero ay bunsod ng mga nakanselang domestic flights matapos mawalan ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, sabi ng dispatcher na si Marcial Arascal.

"'Yong iba may mga dalang maleta, galing daw sila ng airport. Cancelled daw po 'yong flight nila. Mas pinili rito, wala na silang choice na masakyan," ani Arascal.

Ayon sa dispatcher na si Joanne Marie Bermas, ang isang bus na hawak niya'y agad napuno nitong umaga ng Lunes at halos kalahati ng sakay ay patungong Bicol na dapat sana'y galing NAIA.

ADVERTISEMENT

"'Di namin ine-expect na dadami pasahero kanina. Ang alam namin galing Bicol lang talaga 'yong madami pasahero. Late lang daw sila na-inform doon sa airport," ani Bermas.

Hindi naman umabot sa biyahe ng bus si Calixto Aquino, na maghihintay na sa PITX hanggang hapon ng Lunes. Isa umano siya sa mga apektado ng nakanselang flight sa NAIA.

Masama ang loob niya dahil wala umanong nag-asikaso sa kanila sa NAIA at nagpaliwanag ng situwasyon.

Kung natuloy ang flight ni Calixto, alas-10 ng umaga pa lang ay nasa Daraga, Albay na sana siya.

"Wala sa amin naga-assist, 'di namin alam kung ano nang nangyayari, 'yon pala mayroon na silang balita sa online na na-cancel na 'yong flight namin," kuwento ni Calixto.

Sa datos ng PITX, biglang pumalo sa higit 2,000 ang pasahero sa terminal nitong alas-5 ng madaling araw, mula 700 pasahero isang oras bago nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.