VIRAL: Pananapak ng sekyu sa delivery rider na pumarada sa pedestrian lane sa QC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Pananapak ng sekyu sa delivery rider na pumarada sa pedestrian lane sa QC

ABS-CBN News
Published May 01, 2020 08:36 PM PHT

Arestado ang isang security guard na nanapak umano ng isang motorcycle rider na umano’y pumasok sa one-way na kalsada at pumarada sa pedestrian lane sa Quezon City

Sa kuhang video ni Romer Bacani, isang rider, humingi siya ng saklolo.

Duguan at maga ang kaniyang mga mata matapos suntukin ng isang guard sa Eastwood City.

Kuwento ni Bacani, magde-deliveer lang sana siya ng pagkain ng kliyente sa loob ng Eastwood at itinuro siya ng navigation app na doon dumaan.

ADVERTISEMENT
Ang problema, one way pala ang kalsada at bawal ang motorsiklo.

Dahil dito sinita si Bacani ng mga guwardiya.

Ipaparada lang sana ni Bacani ang kaniyang motorsiklo pero nagalit umano ang isa sa mga guwardiya dahil sa pedestrian lane ito pumarada.

Bigla na lang din umano siyang sinapak, dahilan para matumba sa motor.

Agad na tumakbo si Bacani sa presinto, at agad dinakip ang security guard. Dinala naman si Bacani sa pagamutan pagkatapos.

Batay sa unang imbestigasyon ng pulisya, minura umano siya ni Bacani kaya siya nag-init, ayon kay Eastwood station officer-in-charge Melchor Rosales.

Nahaharap ang guwardiya sa kasong serious physical injuries.

— Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
delivery
delivery rider
security guard
krimen
serious physical injuries
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT