Bayan ng San Isidro sa Leyte, isinailalim sa state of calamity | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bayan ng San Isidro sa Leyte, isinailalim sa state of calamity

Bayan ng San Isidro sa Leyte, isinailalim sa state of calamity

Ranulfo Docdocan,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 01, 2019 06:19 PM PHT

Clipboard

SAN ISIDRO, Leyte - Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng San Isidro sa Leyte dahil sa pinsalang dulot ng tagtuyot.

Nagkabitak-bitak na ang lupa sa mga palayan sa bayan. Wala na ring tubig maging sa mga ilog at creek, at sa mga balon na pinagkukunan ng tubig ng mga residente.

Ito ang epekto ng apat na buwang walang pag-ulan sa nasabing bayan.

Isa ang magsasakang si Frankie Gozila sa mga apektado ng tagtuyot. Aniya, umaabot sa 200 sako ng palay ang kaniyang naaani. Ngunit hindi na umano ito mangyayari ngayong buwan ng Mayo dahil namatay sa init ng araw ang kaniyang mga tanim na palay.

ADVERTISEMENT

Sa ulan lamang sila umaasa sa patubig sa kanilang sakahan.

Aabot na sa P10,000 ang kaniyang lugi sa kasalukuyan.

Naghihintay na lamang sila ng ulan para makapagtanim ng palay. Apektado na rin ng tagtuyot ang kanilang pinagkukunan ng tubig na maiinom.

Isa lamang si Gozila sa halos 700 magsasakang apektado ng tag-init sa kanilang bayan.

Ayon sa municipal agriculturist, karamihan sa mga tanim ng mga magsasaka sa bayan ay mais at palay, at tuwing buwan ng Mayo sana ito aanihin pero dahil sa tag-init ay wala munang produkto ang mga magsasaka.

Maliban sa mga palay at mais, apektado rin ang mga pananim na gulay.

Naging basehan sa nasabing deklarasyon ang rekomendasyon ng Agriculture Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Aabot sa higit P13 milyon na danyos sa tanim na palay at aabot sa higit P774,000 ang danyos sa tanim na mais.

Aminado ang lokal na pamahalaan ng San Isidro na isa ang kanilang bayan sa mga apektado ng tag-init pero ito ang unang pagkakataon na napasailalim sila sa state of calamity.

"We declared state of calamity due to wala kaming tubig dito sa San Isidro. This is every summer that we have hardship of water and now this is worst since January until now we don’t have rains," paliwanag ni San Isidro Mayor Susan Ang.

Inaasahan din na sa pamamagitan ng nasabing deklarasyon, matutulungan ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan ang bayan ng San Isidro upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.