PatrolPH

MMA fighter, 4 iba pa tiklo sa drug den sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2021 01:42 PM


LAGUNA - Arestado ang isang umano'y mixed martial arts fighter at apat na iba pa sa isang buy-bust operation sa drug den sa siyudad ng San Pedro, madaling araw ng Huwebes. 

Naaresto ang mga suspek sa bisa ng isang buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Rosario Complex sa siyudad ng San Pedro. 

Ang 27 anyos na MMA fighter ang tinutukoy na nangangalaga sa umano'y drug den. 

Aabot sa P216,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nahuli sa suspek. 

Nakuha rin ang drug paraphernalia, marked money, at dalawang cellphone sa mga nahuli. 

Nakatakdang sampahan ngayong Biyernes ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. 

— Ulat ni Andrew Bernardo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.