Mga pumapasok sa classroom balak limitahan hanggang 20: DepEd | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pumapasok sa classroom balak limitahan hanggang 20: DepEd

Mga pumapasok sa classroom balak limitahan hanggang 20: DepEd

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Balak ng Department of Education (DepEd) na bawasan ang bilang ng mga estudyanteng pumapasok sa mga classroom sa susunod na pasukan.

Ayon kay Education Spokesperson Annalyn Sevilla, ipinapanukala ng kagawaran na limitahan sa 15 hanggang 20 estudyante ang pwedeng pumasok sa mga classroom para masunod ang physical distancing.

Bahagi umano ito ng learning continuity plan na ipepresenta ng DepEd sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Mayo.

Noong 2018, nasa 1:31 ang teacher-student ratio para sa elementary at senior high school habang 1:36 naman sa junior high school.

ADVERTISEMENT

Nauna nang inirekomenda ng Alliance of Concerned Teachers, isang grupo ng mga guro, na bawasan ang class sizes sa halip na magsagawa ng online classes lalo at maraming guro sa mga pampublikong paaralan ang hindi sanay sa ganoong pagtuturo habang marami namang estudyante ang may limitadong internet connection.

Wala pa ring pinal na pasya ang gobyerno tungkol sa pagbubukas ng klase pero nauna nang sinabi ng DepEd na pabor ang kanilang mga stakeholder na simulan ang school year sa Agosto. Inirekomenda naman ng IATF na iurong ang school opening sa Setyembre.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.