143,000 pulis, itatalaga sa halalan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

143,000 pulis, itatalaga sa halalan

143,000 pulis, itatalaga sa halalan

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA – Nakahanda na ang aabot sa 143,000 na pulis na itatalaga sa buong bansa upang matiyak ang kapayapaan sa araw ng halalan, ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Col. Bernard Banac.

"Handang handa na ang Philippine National Police," paniniguro ni Banac sa mga dumalo sa isinagawang "Handa Na Ba Kayo" forum ng DZMM TeleRadyo.

Aniya, umabot na sa 4,600 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa ipinapatupad na gun ban.

"Naghahain tayo ng search warrants sa mga individual [at] elected officials na nagtatago ng mga kontrabando," dagdag niya. "Lahat ng suspected private armed groups, patuloy nating minamanmanan."

ADVERTISEMENT

Nagbigay rin siya ng babala sa mga sangkot sa panunuhol habang papalapit ang eleksiyon sa Mayo 13.

"Iwasan ang suhol. Kapag ikaw ay nahuli na nanunuhol o tumatanggap ng suhol, magpapaliwanag ka po sa presinto, dadalhin ka sa presinto ng mga pulis," ani Banac.

Hinihikayat niya rin ang publiko na ipagbigay-alam sa pulis ang anumang mga kahina-hinalang indibidwal upang mabilis na makapagbigay ng responde.--Ulat ni James Amante, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.