Sunog sumiklab sa stock room sa isang mall sa Cebu | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa stock room sa isang mall sa Cebu

Sunog sumiklab sa stock room sa isang mall sa Cebu

Joworski Alipon,

ABS-CBN News

Clipboard

LAPU-LAPU CITY -- Nasunog ang isang storage room sa loob ng isang mall sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City sa Cebu Linggo ng hapon.

Nabalot ng makapal na usok ang kwartong may lamang mga plastic at school supplies sa tuktok na bahagi ng Gaisano Grand Mall.

Agad na pinalabas ng gusali ang mga empleyado at mga customer bandang ala-4 ng hapon nang nagsimula ang sunog.

Itinaas sa Task Force Alpha ang sunog na tumagal ng mahigit isang oras bago naging kontrolado.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Fire Marshall Rogelio Bongabong, binutasan nila ang kisame para makalabas ang usok at init mula sa kwarto.

Siniguro rin umano nilang hindi na muling sisiklab ang apoy lalo na't maraming mga materyales na maaring masunog sa loob ng stock room.

Hindi pa matukoy ng may-ari ng mall at ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kaubuuang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.